MANILA, Philippines – BINALAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dinismis na si Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na huwag nang iwasan ang congressional hearings dahil hindi Ito makatutulong sa kanya.
Pinayuhan din ng Pangulo si Guo na “just tell the truth.”
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na nais niya na gawin ni Guo na ”to lay out exactly how these POGOs became so large.”
Dapat din aniya na ipaliwanag ni Guo kung bakit hnd nito alam ang lawak ng problema ng POGO sa kanyang lokalidad.
”It’s basically a criminal enterprise and as mayor, for her to say she did not know this was going on, it’s very difficult to believe because as a former local government executive, it seems impossible that an operation that is what, a few hundred meters away from my own office, hindi ko alam ‘yung nangyayari doon, iligal na ganitong kalaki na operation?” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Giit pa ng Pangulo na kailangang sumagot nang maayos ni Guo kaysa sa kanyang mga umano’y kasabwat na sina Shiela Guo, sinasabing kapatid ni Alice Guo at Cassandra Li Ong, awtorisadong kinatawan ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator POGO hub sa Porac, Pampanga.
”Sana naman mabuti-buti ang sagot ni Alice Guo as compared doon sa mga kasamahan niya because it will not help her at all to be evasive. Mas bibigat ang magiging problema niya kung hindi siya magsabi nang totoo,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. Kris Jose