Home ENTERTAINMENT Teejay, ipinagtanggol si Direk Joel!

Teejay, ipinagtanggol si Direk Joel!

Manila, Philippines- Nag-react si Teejay Marquez sa sinabi ni Direk Joel Lamangan na panahon pa ng kopong-kopong ay marami nang instances ng sexual abuse na naranasan ang mga artistang naging leading men at sumikat na nanggaling sa mga bading.

Ito ang kanyang naging komento.

“I respect kung anuman ang sinabi ni Direk Joel. Ako nga, ilang beses na akong na-chismis pero wala namang napatunayan, “ hirit niya.

Dagdag pa niya, naging direktor din daw niya si Direk Joel pero kontra sa alegasyon sa rebelasyon ng isang aktor, wala raw naman siyang naranasang di kaaya-aya sa metikolosong direktor.

“Very professional naman si Direk. Istrikto siya pero wala naman akong ganoong experience,” lahad niya.

Si Direk Joel ang direktor ni Teejay sa movie na “Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa.”

Ayaw namang magbigay ng judgment ni Teejay sa mga taong nae-exploit na pumapatol sa mga bading kapalit ng stardom.

“Depende na rin kasi iyon sa tao lalo na kung nasa edad na siya at alam niya kung ano ang tama o makabubuti sa kanya,” sey niya.

Proud naman si Teejay dahil nabigyan siya ng pagkakataong makapagbida at magampanan ang true to life story ni Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte sa biopic na “Mamay: The Great Man of Nunungan.”

“It’s an honor for me to be given a chance to to portray the role of an inspirational leader and peace advocate,” ani Teejay.

Si Mayor Mamay ay isa sa mga kinikilalang most transformative and inspirational figures for peace and development among Christians and Muslim brothers sa ating bansa.

Bilang lider, walang takot niyang isinulong ang kanyang matapang na adbokasya na kilalanin ang karapatang pantao at lubusang maipatigil ang hidwaan ng mga pamilya sa Mindanao, na tinatawag na rido (conflict of clans) na tinatalakay sa pelikula.

Sa biopic, ginagampanan ni Teejay ang papel ng batang Marcos.

Pinamahalaan ni Direk Neal “Buboy Tan”, tampok din sa pelikula sina Jeric Raval (adult Marcos) at Ara Mina.

Kasama rin sa all-star cast sina Victor Neri, Polo Ravales, Julio Diaz, Devon Seron, Ali Forbes, Jethro Ramirez, Sabrina M, Via Veloso, Alvin Fortuna, Katrina Paula, Ron Angeles, John Arcenas, Shiela Delgado, Toni Co, Tonz Llander Are, MJ Oblea, Princess Reyes, Marionney Mutia, Baby Go, at marami pang iba. Archie Liao