Home HOME BANNER STORY Alice Guo nagpasalamat sa mga bumati sa birthday: ‘Everything is temporary’

Alice Guo nagpasalamat sa mga bumati sa birthday: ‘Everything is temporary’

115
0

MANILA, Philippines – Nagpasalamat si suspended Mayor Alice Guo sa mga taga-suporta nito sa social media sa kanyang kaarawan.

Si Guo, na ginigisa ngayon ng Senado dahil sa umano’y kaugnayan sa illegal Philippine offshore gaming operations (POGO) sa kanyang bayan, ay nagpasalamat sa kanyang mga nasasakupan.

Sa mahabang post, sinabi ni Guo na hindi niya pinagsisisihan ang pagpasok sa politika sa kabila na nasasaktan siya sa lahat ng mga nangyayari ngayon.

“The answer is hindi…pero nasaktan ako ng husto nang politika. I almost lost myself…” anang alcalde.

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga grupo at indibidwal, kabilang ang lahat ng mga constituent, mga miyembro ng konseho at barangay officials.

Nagpasalamat din siya sa mga estudyante at guro, maging ang school heads sa Bamban.

Kabilang din sa mga binanggit niya para pasalamat ay ang mga senior citizen, businessmen, LGBTQIA+ community, mga magsasaka, public utility vehicle drivers, at religious community.

Si Guo ay nagdiwang ng kanyang ika-38 kaarawan nitong Biyernes, Hulyo 12.

“Humihingi po ako ng paumanhin sa mga taong nadamay at pilit na idinadamay. Ako po ay nakikiusap din to stop spreading false information,” ani Guo.

“Ako po ay isang Filipino, at may malaking puso for Bamban…at mahal na mahal ko ang Pilipinas. Always remember ka Bamban, challenging but will never give up. Everything is temporary!” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here