Home HOME BANNER STORY ‘Alice Guo’ sa praybet iskul nag-aral ‘di sa farm – Win

‘Alice Guo’ sa praybet iskul nag-aral ‘di sa farm – Win

MANILA, Philippines – Ibinulgar ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi nag-aral sa bahay ni Teacher Rubilyn si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bagkus nagtapos sa Grace Christian High School sa Quezon City.

Base sa records na nakuha ng tanggapan ni Gatchalian, ipinakikita ang isang “Guo Hua Ping, isang babaeng Chinese na pinaniniwalaang si Guo, ang nag-aral sa Grace Christian High School mula 2000 hanggang 2003.

“Nag-aral siya sa pareho kong school. For grades 1, 2 and 3 from year 2000 to 2003. Hindi siya home schooled ni Rubilyn, nag-aral po talaga siya. Sa pagkakatanda ko sa school namin, walang farm po doon, puro building,” ayon kay Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na natuklasan din na nagsujite ng birth certificate mulang China si Guo sa kanyang enrolment documents. Aniya, natuklasan din sa certificate na ina ni Guo ang isang Wen Yin Lin, habang ang ama nito ay si Jian Zhong Guo.

Patuloy na iginigiit ni Guo na si Amelia Leal ang kanyang tunay na ina na pawang isang Filipino.

Naunang sinabi ng alkalde na hindi siya dumalo sa pormal na paaralan kundi tinuturuan lamang sa kanilang bahay ni “Teacher Rubilyn” sa kanilang farm.

Hindi dumalo si Guo sa pagdinig, kaya kinasuhan siya ng contempt.

“The chair rules to cite in contempt Alice Guo, or Guo Hua Ping, and for [the issuance of a] warrant of arrest [against her],” ayon kay Hontiveros.

Tulad ni Senador Nancy Binay, hindi tinanggap ng ilang senador ang dahilan ni Guo na bumabagsak ang kanyang mental healt kaya hindi makadadalo sa pagdinig.

Sinabi ni Hontiveros na walang nakalakip na medical certificate sa kanyang liham na pirmado ng isang linsensiyadong doctor o manggagamot.

Binanggit ni Guo sa kanyang liham na ayaw siyang bigyan ng medical certificate ng doctor dahil baka sumalang din ito sa pagsusuri ng Senado na tulad nang nangyari sa kanya.

Bukod kay Guo, narito ang listahan ng kinasuhan ng contemot ng komite ni Hontiveros kasama ang kaanak nito at ilan lang sangkot sa illegal POGO sa Porac, Pampanga.

Kasong contempt

1. ALICE GUO/GUO HUA PING

2. NANCY J. GAMO

3. DENNIS CUNANAN

4. WENYI LIN

5. SEIMEN L. GUO

6. JIAN ZHONG GUO

7. WESLEY GUO

8. SHEILA GUO

Pinadalhan ng Subpoena

1. JAIMIELYN S. CRUZ

2. RODERICK PAUL B. PUJANTE

3. JUAN MIGUEL ALPAS

4. KATHERINE CASSANDRA ONG

5. ALBERTO RODULFO “AR” DE LA SERNA

6. JONATHAN MENDOZA

7. RONELYN B. BATERNA

8. MICHAEL BRYCE B. MASCARENAS

9. STEPHANIE B. MASCARENAS

10. RODRIGO A. BANDA

11. JING GU

12. XIANG TAN

13. DANIEL SALCEDO, JR.

14. CHONA A. ALEJANDRE

15. DUANREN WU

Ipinaliwanag ni Hontiveros na uusad ang kautusang contempt upang makakuha ng aplikasyon sa arrest warrant laban sa 8 indibiduwal.

“Pagkatapos ng hearing, susulatan ng chair ang Senate President. Once he [approved] yung citing in contempt ng chair, in effect mase-set into motion na yung pag-issue ng arrest warrant,” ayon kay Hontiveros.

Naunang tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kanyang aaprubahan ang arrest warrant laban kay Guo kapag hiningi ni Hontiveros.

Nabigo si Guo na patunayan sa Senado na isa siyang Filipino citizens. Ilang dokumento at pag-susuri ng awtoridad tulad ng National Bureau of Investigation na nagsasabing nagkatugma ang fingerprint ni Guo sa isang Chinese national na si Guo Hua Ping, base sa dactyloscopy exam.

Samantala, mahigpit na pinalagan ni Binay ang dahilan ni Guo upang hindi siya makadalo sa pagdinig.

“It’s unfair to those with genuine mental health conditions. Mental health is a serious issue and should not be used as an excuse for dishonesty,” ayon kay Binay.

Naghain din ng petisyon ang kampo ni Guo sa Supreme Court na humihingi ng temporary restraining order upang mapigilan ang Senado na magpalabas ng arrest warrant na kapangyarihan ng kapulungan na nakatakda sa Saligang Batas. Ernie Reyes