Home HOME BANNER STORY P35 taas-sahod inapela ng labor group: Dagdagan!

P35 taas-sahod inapela ng labor group: Dagdagan!

MANILA, Philippines – Umapela sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang isang grupo ng manggagawa para muling isaalang-alang ang bid nito na P597 na dagdag sahod, para gawing P1,207 ang daily minimum pay rate sa Metro Manila.

“Wherefore, premises considered, it is respectfully prayed for the NCR-Regional Wage Board to consider its July 1, 2024 declaration and declare for the living wage in the region as prayed for by the petitioner. The said July 1, 2024 declaration of the new minimum (wage rate) in the region was marred by tantamount abuse of discretion on the member of Regional Wage Board,” sinabi ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) sa kanilang memorandum of appeal.

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P35 na pagtaas sa arawang suweldo ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.

Ang Wage Order No. NCR-25 ay nilagdaan noong Hunyo 27, inilathala noong Hulyo 1 at magkakabisa 15 araw pagkatapos mailathala.

Ayon sa grupo, ang dagdag na P35 sa minimum wage ay isang ‘insulto’ at kahihiyan sa mga isinakripisyo at tinitiis ng mga manggagawa sa pag-aambag sa ekonomiya ng bansa

Gayundin, kinuwestiyon ng UWIN ang wage board ng NCR sa paggamit ng 2021 poverty threshold ng Philippine Statistic Authority (PSA) bilang batayan sa paglabas ng pinakabagong wage order.

“It might be that in the last hearing of the petition on June 20, 2024, there is already a planned decision of P35.00 considering that the said decision was based on three years ago (2021) data of the Philippine Statistic Authority,” sabi ng petitioner. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)