Home NATIONWIDE Ex-presidential adviser sabit sa illegal POGO – Hontiveros

Ex-presidential adviser sabit sa illegal POGO – Hontiveros

MANILA, Philippines – Isinabit ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkoles na kasabwat si Michael Yang, dating economic adviser ni datig President Rodrigo Duterte, sa Philippine offshore gaming operations (POGOs) na iniimbestigahan ng Senado hinggil sa kriminalidad.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa POGO, inilarawan ni Hontiveros sa kanyang presentasyon na isang Gerald Cruz ang incorporator ng Brickhartz Technologies Inc. na natagpuan ang mga dokumento sa nilusobna Bamban POGO hub, at siya din ang corporate secretary ng Pharmally Biological.

Naunang napaulat na sister company ang Pharmally Biological ng Pharmally Pharmaceutical Corporation— ang kompanyang sangkot sa overpricing ng COVID-19 supplies.

Ipinakita ni Hontiveros na kasosyo din si Cruz kay Huang Tzu Yen, ang presidente ng Pharmally Biological Company at Pharmally Pharmaceutical Corporation, na naunang umamin na humiram ng pondo kayformer presidential economic adviser Michael Yang upang pondohan ang kanilang kontrata sa COVID-19 supplies.

Isinabit din ni Hontiveros si Cruz sa Full Win Incorporation ni Full bilang corporate secretary.

Sinabi pa ni Hontiveros na pag-aari ni Yang ang Xion Wei Technologies, ang POGO licensee ng Brickhartz.

“Ang Brickhartz at Xion Wei Technologies Inc. parehong email address. So malinaw pa sa sikat ng araw — through Gerald Cruz, between the POGO in Bamban ni Alice Guo and Michael Yang and through the email address — Brickhartz at Xion Wei — yes, Michael Yang may be involved in these criminal operations na iniimbestigahan natin sa POGO,” ayon kay Hontiveros.

“Lumalabas talagang organsadong operasyon ito kasabwat ng mga napaka-makapangyarihang tao,” ani Hontiveros sa kanyang closing statement. Ernie Reyes