Home NATIONWIDE Carrier strike group ng Tsina ipinuwesto sa PH Sea

Carrier strike group ng Tsina ipinuwesto sa PH Sea

MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-deploy ng China ng “carrier strike group” sa Philippine Sea.

“Binigyang-diin namin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon at hinihimok ang lahat ng partido na sumunod sa mga internasyonal na batas at pamantayan, partikular na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” sabi ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Francel Margareth Padilla sa isang mensahe sa mga mamamahayag.

Ang isang carrier strike group ay isang flexible naval force na maaaring gumana sa katubigan, sa araw at gabi, sa lahat ng kondisyon ng panahon.

Ang mga ulat ay nagsabi na ang Chinese aircraft carrier na may ngalang Shandong, kasama ang isang guided missile destroyer at isang frigate, ay nakita mga 323 milya mula sa Miyako Island.

Napagmasdan ang Chinese aircraft carrier na nagsasagawa ng flight deck operations kasama ang mga nakasakay nitong jet fighter at helicopter.

“Ang AFP ay nananatiling nakatuon sa pangangalaga sa ating maritime na interes at pagtiyak ng seguridad ng teritoryo ng ating bansa sa pamamagitan ng patuloy na pagbabantay,” sabi ni Padilla.

Samantala, sinabi ni AFP public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad na binabantayan nila ang mga ulat ng bilateral exercise sa pagitan ng China at Russia sa Philippine Sea. Santi Celario