Home ENTERTAINMENT James at Italian wife, hiwalay na?

James at Italian wife, hiwalay na?

Manila, Philippines – Sa latest edition ng Showbiz Now Na, umaasa si Cristy Fermin na walang katotohanan ang balitang hiwalay na si James Yap at Italian wife nitong si Michela Cazzola.

Dalawa ang anak ng couple: MJ, 8 at Francesca, 6.

Walang malinaw na dahilan ang umano’y paghihiwalay nila.

Balitang dinala ni Michela ang dalawang anak to her native Italy.

While the reason for their separation has yet to be established, kapansin-pansing ang tagal nang hindi nagpaparamdam ang kanilang pamilya sa Instagram.

April 2023 pa nang may post ng larawang kumpleto ang Yap couple and the kids.

The San Juan alderman even posted his birthday greeting to Michela in October last year.

Nito lang din June, binati pa ni James ng maligayang kaarawan si Francesca who turned 6.

Of late, all that James has posted are his pictures taken abroad.

More than 10 years din ang itinagal ng relasyon nina James at Michela.

What went wrong kaya? Ronnie Carrasco III