Home HOME BANNER STORY Alituntunin sa paggamit ng ASF vax nirebisa ng DA

Alituntunin sa paggamit ng ASF vax nirebisa ng DA

MANILA, Philippines- Inamyendahan ng Department of Agriculture (DA) ang mga alituntunin ukol sa government-controlled use ng Vietnam-made African swine fever (ASF) vaccine para palawakin ang sakop nito at pabilisin ang vaccination program laban sa nakamamatay na sakit ng mga hayop na labis na nakaapekto sa local swine industry.

Sa isang kalatas, nagpalabas si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng Circular No. 13, series of 2024, naglalaman ng binagong alituntunin hinggil sa paggamit ng ASF vaccine.

Ang Circular No. 13, sa partikular, inamyendahan ang dating direktiba —ang mga Circular No. 05 at No. 08 – may kinalaman sa kontroladong paggamit ng ASF vaccine sa streamline procedures at pinalawak ang saklaw para pabilisin ang nationwide vaccination program.

Sinabi ng DA na ang pinakabagong circular ay idinisenyo para pabilisin ang rollout ng ASF vaccination campaign sa mga pangunahing lugar partikular na sa mga barangay na may “no active ASF cases” sa loob ng 40 araw o iyong may negatibong ASF surveillance results sa Red at Pink Zones.

“A significant aspect of the amendment includes the easing of requirements for farms that wish to participate in the vaccination program,” ayon pa rin sa DA.

“Additionally, farms are required to comply with strict monitoring protocols,” ang sinabi pa ng departamento.

Tinuran pa ng DA na kailangang mainspeksyon ang mga tinatawag na vaccinated farm kasama ng regular na dokumentasyon na isusumite sa lokal na awtoridad at Bureau of Animal Industry (BAI).

“Sample collection and testing procedures are emphasized to ensure that vaccinated pigs are free from ASF,” ang sinabi ng DA.

“The new circular also includes updated guidelines for the movement of vaccinated pigs, requiring clearance based on health and testing outcomes and mandates depopulation for pigs that test positive for ASF and exhibit clinical symptoms,” dagdag nito. Kris Jose