MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na maglalabas ito ng patakaran para labanan ang red-tagging at gender-based sexual harassment sa panahon ng kampanya para sa 2025 May elections.
Ayon kay Comelec Chairman, George Garcia, iminungkahi ito ng komisyon at umaasa na matatapos ito sa susunod na linggo.
Sinabi rin ni Garcia na ang patakaran sa Safe Space Act ay dapat ding masidhing maipatupad para walang cat calling.
Kamakailan lamang ay nagpadala ng liham ang Makabayan bloc kay Garcia na nagpahayag ng alalahanin sa mga probisyon ng Comelec Resolution 11064 kabilang ang mandatory registration ng social media accounts, websites,digital at internet-based campaign platforms ng mga kandidato , partido at kanilang supporters , na nagsasabing maaring kakapaekti sa freedom of expressions.
“Ang inyong lingkod ay nag-i-sponsor ng amendments to the guidelines of social media, deepflakes and such other platforms. sinabi natin na hindi na isasama ang private individuals,” ani Garcia.
Noong Martes, malugod na tinanggap ng mga mambabatas sa Kamara ang pangako ng Comelec na maglabas ng anti-red tagging guidelines na iniallarawan nlito bilang isang makabulihang tagumpay para sa mga demokratikong karapatan at reporma sa elektoral. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)