Home METRO Alkalde maniningil kay PBBM para sa mga mangingisda

Alkalde maniningil kay PBBM para sa mga mangingisda

MASINLOC, Zambales- “Utang na loob”

Ito ang mga salitang hindi kayang bayaran…pero para kay Masinloc, Zambales Mayor Arnesia Lim, maniningil siya alang-alang sa kanyang mga kababayan na mangingisda na siyang pangunahing ikinabubuhay.

Sa pagharap ni Lim sa mga mamahayag noong Biyernes, mariin nitong sinabi na maniningil siya kay Pangulong Bongbong Marcos sa ginawa niyang tulong para manalo noong May 2022 eleksyon.

Aniya, halos hindi na magawang mangisda ng kanyang mga kababayan sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal dahil sa banta umano ng mga Chinese na huhulihin sila ang sinumang lumagpas sa malaking barko na kanilang ibinalandra sa karagatan at inaakong kanila ang Scarborough Shoal .

“Kaya po ngayon po, ako ay maniningiil para sa mga kababayan ko, na wag po niya pabayaan ang kababayan ko sa bayan ng Masinloc,” ani Lim.

Dagdag pa ng alkalde, humingi ng tulong sa kanya noon si PBBM para manalo bilang presidente ng bansa at ginawa niya ito para manguna sa pangangampanya sa iba pang alkalde sa lalawigan maging ang pagkuha ng mga watchers saksi si Gobernador Hermogenes Ebdane.

“Namomroblema po ako ngayon. Mayroon nga kaming binigay na bangka, takot naman sila lumaot kasi baka makulong sila. Pag tag-ulan problema na naman natin kung paano sila tulungan,” giit pa ng alkalde. Mary Anne Sapico