Home NATIONWIDE Alternatibong uniporme ng mga guro, staff walang partikular na kulay – DepEd

Alternatibong uniporme ng mga guro, staff walang partikular na kulay – DepEd

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Martes, Abril 16, na walang partikular na kulay na inireseta para sa mga alternatibong uniporme ng mga guro at non-teaching staff sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ang tugon ng ahensya ay kasunod ng mga pahayag na ang mga bagong kahaliling uniporme ay kahawig ng “mga kulay ng kampanya” noong 2022 elections.

“Wala pong prescribed colors ng DepEd collared shirt. Any existing DepEd collared may be worn,” ani DepEd Undersecretary Michael Poa sa kanyang Viber message sa mga reporter.

Sinabi ni Poa na ang ibang DepEd collared shirts ay maaaring magsuot sa gitna ng nakakapasong temperatura sa buong bansa.

“Kahit ano pong DepEd collared shirt na meron ang ating mga guro na nagamit sa Palaro, Brigada Eskwela, Balik Eskwela and other DepEd activities,” paliwanag pa niya.

Maliban dito, pinayagan din ng DepEd ang mga guro at non-teaching personnel na magsuot ng anumang white collared shirt na may logo ng DepEd at MATATAG.

Noong Lunes, naglabas ang DepEd ng infographic sa bawat Memorandum DM-OUHROD-2024-0662, na nagpapahintulot sa paggamit ng nasabing mga pang-itaas kasama ng angkop na mga pares kabilang ang slacks, jeans, cargo pants, o anumang iba pang matte black pants.

Ang leggings, pampitis, at jogging pants, samantala, ay ipinagbabawal sa ilalim ng revised dress code ng Civil Service Commission na inireseta para sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno sa lugar ng trabaho. Santi Celario