Home HOME BANNER STORY Brownout ibinabala ng Meralco sa pinalawig na red alert sa Luzon grid

Brownout ibinabala ng Meralco sa pinalawig na red alert sa Luzon grid

MANILA, Philippines – Naglabas ng panibagong babala ang Meralco tungkol sa brownout na maaaring ipatupad sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon grid.

Ito ay matapos palawigin ng National Grid Corporation of the Philippines ang red alert status sa Luzon hanggang alas-11 ng gabi dahil sa pagkawala ng 2 karagdagang planta na Kalayaan 1 at 2 na bumubuo ng 180 megawatts bawat isa.

Sinabi ng Meralco na ang mga sumusunod na lugar ay maaaring maapektuhan ng manual load dropping o brownout sa mga oras na ito:

Sinabi ng NGCP na unang ipinatupad ang manual load dropping, o rotating brownouts noong 4:15PM na may rotational power interruptions na nakakaapekto sa ilang bahagi ng hilagang Luzon.

Pinayuhan ng Meralco ang publiko na suriin ang kanilang Facebook para sa mga update.

“Kung sakali, paki-charge ang iyong mga mobile phone at iba pang mahahalagang gadgets,” sabi ng Meralco. Santi Celario