Home METRO Ama, ina at anak niratrat-patay ng kakilalang ‘di nila pinautang

Ama, ina at anak niratrat-patay ng kakilalang ‘di nila pinautang

MANILA, Philippines – Patay ang isang tatay, asawa nito, at 14-anyos nilang anak sa loob mismo ng kanilang tirahan matapos pagbabarilin ng kakilalang hindi umano nila pinautang, sa Camotes Island, Cebu.

Ayon sa ulat, binaril sa ulo ang mga biktima sa kanilang tahanan sa munisipyo ng San Francisco.

Samantala, nakaligtas ang isa nilang anak na siyang nagkwento na ang suspek ay nangungutang sa kanyang ina.

Matapos na hindi pautangin, nagalit umano ang suspek at saka namaril.

Mabilis na nakatakas ang suspek matapos ang insidente na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya. RNT/JGC