MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa panggagahasa sa isang 19-anyos na babaeng person with disability sa Camarines Norte.
Ayon sa ulat, dinakip ang suspek Biyernes ng gabi, Disyembre 14 sa Antipolo City.
Isinagawa ng suspek ang panghahalay sa biktima noong Nobyembre sa Basud, Camarines Norte habang nasa loob ng isang kubo.
Sa impormasyon galing sa Basud Police, ang biktima ay pamangkin ng bayaw ng suspek.
Matapos ang panggagahasa ay nagtago ng halos apat na buwan ang suspek hanggang sa maaresto ito ng Antipolo police.
Aminado naman ang suspek na kilala niya ang biktima ngunit itinangging ginahasa niya ito.
Nakatakdang dalhin ang suspek sa Camarines Norte para doon harapin ang kasong qualified rape. RNT/JGC