Home NATIONWIDE 41K pulis itatalaga sa pagsisimula ng Simbang Gabi 2024

41K pulis itatalaga sa pagsisimula ng Simbang Gabi 2024

MANILA, Philippines – Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 41,000 police officers sa buong bansa sa pagsisimula ng Simbang Gabi 2024 o Misa de Gallo.

“Ang ating mga police ay nakalatag na sa areas na inaasahan ang dagsa ng tao, sa mga place of worship nationwide,” pahayag ni PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo sa panayam ng DZBB.

Dagdag pa niya, ilalagay ang nasa 41,000 mga pulis para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa loob ng siyam na gabing Simbang Gabi na magsisimula sa Disyembre 16 at magtatapos ng Disyembre 24.

“Bawat municipal station may dedicated [personne], more or less, nasa 41,000 mahigit po ang personnel na ide-deploy po natin para sa Ligtas Paskuhan Deployment Plan,” ani Fajardo.

Maglalagay din ng police assistance desks malapit sa mga simbahan at sakayan.

Makikipagtulungan ang PNP sa local government units para pangasiwaan ang trapiko at crowd control. RNT/JGC