Home METRO Ama initak ng sariling anak sa Quezon

Ama initak ng sariling anak sa Quezon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 55-anyos na lalaki matapos na itakin ng sariling anak sa Unisan, Quezon nitong Linggo, Abril 7 dahil sa away-pamilya.

Iniulat ng Unisan police na nag-iinuman sina Rogelio Apostol, at anak nitong si “Romelito,” 34, sa loob ng kubo sa Barangay Tubas.

Kalaunan ay nagkaroon ng mainitang argumento ang dalawa, dahilan para kumuha ng bolo si Romelito at paulit-ulit na tagain ang ama nito.

Nagtamo ng seryosong pinsala sa katawan si Rogelio na agad isinugod sa ospital.

Nasa stable nang kondisyon ang ama. Nakatakas naman ang anak nito na kalaunan ay naaresto rin.

Mahaharap sa kaso si Rogelito na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya. RNT/JGC