Home METRO Ama ng hazing victim, pormal nang nagsampa ng kaso vs 14 fratmen

Ama ng hazing victim, pormal nang nagsampa ng kaso vs 14 fratmen

195
0

MANILA, Philippines — Nagsampa ng kasong kriminal ang ama ng maritime student na si Mark Kenneth Alcedo laban sa 14 na miyembro ng Tau Gamma Phi kaugnay sa umano’y nakamamatay na hazing sa kanyang 19-anyos na anak sa Dasmariñas City, Cavite.

Nauna nang sumuko ang apat sa mga suspek sa General Trias Police noong Linggo ng gabi, habang isa pa ang sumuko sa Dasmariñas Police noong Sabado.

Sa ngayon, anim na suspek ang nasa kustodiya ng pulisya. Sila at 12 iba pa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law.

Sinabi rin ng mga awtoridad na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek, ngunit nais umano ng mga ito na sumuko.

“Base sa kwento nila, natatakot na sila sa kaligtasan nila sa labas,” ayon kay Police Colonel Resty Soriano, hepe ng Dasmariñas police.

Nanawagan naman ang ama ng biktima na si Elegio Alcedo sa fraternity na tumulong sa pagsuko ng kanilang mga miyembro.

“Kung talagang makatao ang fraternity niyo, maging patas kayo. Tulungan niyo yung mga kasama niyo na isuko tapos harapin nila,” aniya.

Ayon sa dalawang neophyte na kasama ni Mark Kenneth sa initiation, pinaddle at pinagsusuntok sila ng 18 miyembro ng fraternity, at makikita pa ang mga pasa sa kanilang mga hita.

“Kitang-kita sa lahat ng parte. Kung sa hita, pwede natin masabi na hazing. Eh lumalabas na marami. Sa baba,” dagdag ni Elegio.

Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa lahat ng suspek at mga lider ng fraternity na sumuko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here