Manila, Philippines – Ayaw pa rin talaga magpaawat ang ilang online entertainment site sa pagkakalat ng fake news.
Bale ba, basang-basa naman ang motibo ng mga ito: kumita at the expense of certain stars.
Pero hindi nangingiming gumawa ng ligal na hakbang ang ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson, maproektahan lang ang anak.
Sukdulan na naman kasi ang ipinalabas ng naturang entertainment site, na kinumpronta raw ni Alden si Daniel Padilla.
Siyempre, may kinalaman ‘yon kay Kathryn Bernardo, ex-GF nito at balitang nililigawan ni Alden.
Banat daw ni Alden kay Daniel: “Kathryn gave you her trust and love for how many years, pero niloko mo lang siya. On cam ka lang pala sweet, pero off cam dugong Padilla ka rin. Huwag kang selfish.
“Huwag mo nang guluhin si Kathryn dahil masaya na siya ngayon sa ginagalawan niya!”
Obyus na walang kakayahan si Alden na magbitiw ng ganitong mga salita kay Daniel.
Kung kilala natin ang Kapuso actor, siya nga ang tipo ng taong ingat na ingat sa mga sasabihin niya.
Walang dudang ang pakay ng entertainment site na ‘yon ay pag-awayin sina Daniel at Alden.
But no way, ayon mismo kay Ginoong Faulkerson.
Agad niya kasing binigyan ng babala ang site na ‘yon na: “Huwag naman ganyan! Huwag kang umaabuso!”
Nasa tailend ang banta ng showbiz father na tiyak magsisilbing leksyon sa kanya.
Huling hirit ng ama: “Ipahahanap kita sa NBI!”
Kung ‘di pa naman matarauhan ang taong ‘yon, ewan na lang! Ronnie Carrasco III