Home NATIONWIDE Amain, tigok sa 2 anak-anakan sa Baseco

Amain, tigok sa 2 anak-anakan sa Baseco

244
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Sa nakalap na impormasyon, bumili lamang ng sigarilyo sa tindahan ang biktima na nakilalang si Walter Delmo nang biglaang pagbabarilin ng mga suspek.

Tatlong tama ng bala sa likod ang tinamo ng biktima na siyang ikinasawi nito.

Nang rumondang pulis sa lugar, nakapagsumbong ang live-in partner ng biktima kaya agad na nagsagawa ng follow-up operation laban sa suspek.

Ayon sa pulisya, dalawang suspek ang naaresto na kinilala sa alyas ‘Mart’, na siyang bumaril sa biktima, at alyas ‘John’, na siyang nag-abot ng baril at itinuturing na mastermind sa krimen.

Napag-alaman na tatay-tatayan ng mga suspek ang nasawing biktima.

Kuwento ng kinakasama ng biktima sa pulisya, nagkaroon ng alitan ang mga suspek at si Delmo bago ang pamamaril matapos na suwayin nito si alyas ‘John’ nang maaktuhang kumukuha ng mga barya sa computer shop.

Hindi rin inaalis ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa iligal na droga ang nangyaring krimen.

Kasalukuyang hawak na ng Homicide Section ng Manila Police District ang mga suspek na mahaharap sa kasong murder.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here