MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pag-aalala si Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez hinggil sa potensyal na cyber attacks kung saan siya ang puntirya habang pinag-uusapan ng Estados Unidos at Pilipinas ang kasunduan na may kinalaman sa ‘maritime security at cooperation’ sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).
“Our relationship with the United States is a very important one vis-a-vis the challenges that we face right now in the West Philippine Sea. So obviously we’re vulnerable to this type of cyber attack,” ang sinabi ni Ambassador Romualdez, kinilala ang ‘sensitive nature’ ng kanyang trabaho.
Sa pagsasalita sa kamakailan lamang na forum sa American university, ikinuwento ni Romualdez ang isang pagtitipon sa Palasyo ng Malakanyang kung saan natatawa niyang sinabi kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na ang kanyang phone ay na-“hack” at hindi niya kayang bumili ng bago.
Bagama’t ikinuwento niya ito sa magaang paraan, binigyang-diin ni Romualdez ang kaseryosohan ng kanyang anekdota, sabay sabing ang impormasyon mula sa American intelligence community ay nagpapahiwatig na siya ay kabilang sa puntirya para sa ‘telephone hacking efforts.’
“The information was passed on to me by our friends in the American intelligence community that I was one of those targeted of being hacked by telephone,” ang paliwanag pa rin ni Romualdez.
“I remember, I’m sure probably the Chinese Ambassador Huang does not remember, but in one of those occasions, I think it was the Vin d’honneur in Malacanang. I said it jest, in a joke, but I meant it that my phones are being hacked and I can’t afford to change my phones anymore,” dagdag niya.
Bilang tugon, pinabulaanan naman ng Chinese Embassy in the Philippines ang kamalayan ni Huang sa mga naging pahayag ni Romualdez at nagpahayag ng pagkagulat sa mga komento, dahil matagal nang hindi nagkikita ang dalawang ambassador.
“I verified the story with Ambassador Huang; he was surprised by such a story since he hasn’t met Ambassador Romualdez for a long time. The two Ambassadors have never touched upon the so-called Chinese hacking issue, and Ambassador Huang doesn’t know where Ambassador Romualdez got this story from,” ang sinabi ng embahada.
Ang ispekulasyon naman ni Romualdez, ang hacking ay maaaring gawa ng pribadong Chinese hackers, tinukoy ang nagpapatuloy na alalahanin hinggil sa ‘espionage activities’ ng Chinese nationals.
“It could be private Chinese hackers, we don’t know. But the fact of the matter is now we have stories in the Philippines about espionage and Chinese spies that are roaming around,” ang pahayag ni Romualdez.
Kabilang sa kamakailan lamang na U.S.-Philippines agreements ang rotational force posture sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at makasaysayang trilateral summit kasama ang U.S., Japan, at Philippines sa Washington.
Ang kaganapan na ito, kasama ang mga matagumpay na pagpupulong sa pagitan ng mga defense official ng U.S. at Philippines, layon na tiyakin ang ligtas na navigation sa mga pangunahing waterways gaya ng South China Sea at West Philippine Sea.
Tinukoy ang mga alalahanin hinggil sa communication security, binanggit ni Romualdez na kailangan niyang bumalik ng Pilipinas para iparating kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mahalagang impormasyon.
“On very important matters that I need to report to the President, I’ve occasionally flown back to the Philippines, a twenty-hour flight, at my own personal expense to be able to report to him on matters of paramount concern of our security,” ang sinabi ni Romualdez.
Nitong mga nakaraang linggo, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pilipinas sa Chinese nationals hinggil sa alegasyon ng ‘espionage’, isang sitwasyon na itinuring ng Chinese Embassy na isang haka-haka. Kris Jose