MANILA, Philippines- Sinisikap ng Japanese Embassy sa Manila na maproseso at maibalik ang visa applications na natanggap nito sa loob ng limang araw sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga turistang Pilipino na nais bisitahin ang bansa.
Subalit, inulit nito ang payo sa publiko na isumite ang kanilang aplikasyon sa embahada nang mas maaga ng dalawang buwan.
Base sa Japan Embassy, kasalukuyan itong nasa proseso ng paglipat sa screening system sa gitna ng hindi inaasahang pagdagsa ng visa applications para sa tourism purposes.
“Japan places great importance on its bilateral relationship with the Philippines and the people-to-people exchanges that form the foundation of that relationship,” anito.
Para sa official at commercial purposes tulad ng business, conference, cultural exchange, long-term stay visas, at iba pang uri ng visa applications, susundin ang parehong proseso tulad ng dati, dagdag nito.
Iginiit ng embahada na ipagpapatuloy nito “to make efforts to complete the procedures and return the visa within five working days after it is submitted to the Embassy by the travel agencies”. RNT/SA