MANILA, Philippines – Dalawang dam sa lalawigan ng Benguet—Ambuklao at Binga—ay nagpapakawala pa rin ng tubig nitong Linggo ng umaga, ayon sa state weather bureau PAGASA.
As of 8 a.m., sinabi ng PAGASA na bukas ang dalawang gate sa Ambuklao Dam sa 0.80 meters. Noong Sabado, mayroon lamang itong nakabukas na gate sa 0.50 metro.
Ang reservoir water level (RWL) ng Ambuklao Dam ay nasa 751.76 metro noong Sabado, pagkatapos ay bumaba sa 751.69 metro noong Linggo. Mayroon itong 752-meter normal high water level (NHWL).
Samantala, nanatiling bukas ang isang gate sa Binga Dam sa 0.50 metro.
Bahagyang tumaas ang RWL nito mula 573.94 metro hanggang 574.67 metro, mas malapit sa 575 metrong NHWL nito.
Lahat naman ng gate sa Ipo Dam sa Bulacan ay sarado na noong Linggo. Dati, mayroon itong isang gate na bukas sa 0.15 metro.
Ang Ipo Dam ay kasalukuyang may 100.49-meter RWL at 101.10 NHWL.
Ang Severe Tropical Storm Enteng ay lumabas sa Philippine Area of Responsibility noong Miyerkules, ngunit ang labangan nito, kasama ang Southwest Monsoon (Habagat) ay nagdala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon noong nakaraang linggo. RNT