Home NATIONWIDE Ambuklao Dam nagpakawala ng tubig bilang paghahanda kay #GenerPH

Ambuklao Dam nagpakawala ng tubig bilang paghahanda kay #GenerPH

MANILA, Philippines – Nagpakawala na ng tubig ang Ambuklao Dam sa Benguet bilang paghahanda sa posibleng malalakas na pag-ulan dala ng Tropical Depression Gener.

Binuksan ang Gate 4 ng Ambuklao dam matapos na umabot sa 751.80 meters ang lebel ng tubig nito, o malapit sa normal high water level na 752 meters.

Sa dam water level update ng PAGASA, tumaas ang lebel ng tubig sa Ambuklao sa 751.70 meters mula sa 751.55 meters.

Tumaas din ang tubig sa mga sumusunod na dam:

Angat – 194.80 meters mula 194.67 meters
La Mesa – 79.50 meters mula 79.40 meters
Binga – 574.28 meters mula 574.16 meters
San Roque – 265.38 meters mula 264.88 meters
Pantabangan – 196.93 meters mula 196.45 meters
Caliraya – 287.40 meters mula 286.52 meters

I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon kaugnay sa mga level ng dam. RNT/JGC