MANILA, Philippines – Naitala ang 32 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon mula nitong hatinggabi ng Lunes, Setyembre 16.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Martes, Setyembre 17, ang plumes sa bulkan ay “obscured,” habang nananatiling namamaga ang paligid ng bulkan.
Noong Setyembre 12, nagbuga ang Bulkang Kanlaon ng nasa 10,880 tonnes ng sulfur dioxide flux.
Tumaas din ang seismic activity sa Bulkang Kanlaon noong nakaraang linggo.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 pa rin ang babala sa bulkan. RNT/JGC