MANILA, Philippines – Patay ang isang isang taong gulang na batang babae nang bumangga ang ambulansiya na naghatid sa kanya sa waiting shed sa Barangay Paraiso, Sagay City, Negros Occidental, noong Sabado ng gabi, Disyembre 21.
Ayon kay Police Lt. Col. Alvimar Flores, hepe ng Sagay City police, nawalan ng kontrol sa sasakyan ang 51-anyos na driver dahil sa malakas na ulan sa pababang kurbadang bahagi ng kalsada dakong alas-8:55 ng gabi. Lumiko ang ambulansya sa kabilang linya at nabangga ang isang waiting shed na gawa sa kahoy.
Nagtamo ng mga sugat ang driver at ang mga magulang ng bata at ngayon ay nagpapagaling sa ospital.
Hinihintay ng pulisya ang desisyon ng pamilya kung sasampahan nila ng kaso ang driver. Inihatid ng ambulansya ang isang pasyente na nakaranas ng seizure. RNT