MANILA, Philippines – Natuklasan ng Land Transportation Office (LTO) na peke ang ambulansya na sangkot sa viral road rage incident sa Valenzuela City noong Disyembre.
Binawi ng LTO ang lisensya ng driver dahil sa kanyang marahas na kilos na nakunan sa viral video.
Ayon sa imbestigasyon ng LTO, hindi lehitimong ambulansya ang sasakyan.
“The Ford Ranger used in the incident is unregistered and has an ambulance sticker attached. It is being used by a funeral parlor,” sabi ni Renant Melitante, chief ng LTO Intelligence and Investigation Division.
“It also appeared during the interview that it is being used for private purposes. Therefore, this is subject to impounding under the guidance of our assistant secretary,” dagdag niya. Tumanggi namang magkomento ang driver.
Sinabi naman ni LTO chief Markus Lacanilao na iniimbestigahan nila ang iba pang ulat tungkol sa pekeng ambulansya.
“Sa totoo lang marami po akong nakikitang ganyan meron pong mga indibidwal na nagpapanggap na ambulansya at nilalagyan nila ng blinker tapos bumabyahe, minsan ginagamit sa mga negosyo nila,” ani Lacanilao.
Samantala, naiulat din ang isa pang road rage incident sa Cavite, kung saan makikitang nag-away ang driver ng SUV at bus, at lumala ang sitwasyon nang sinubukan ng SUV driver sirain ang windshield wiper ng bus.
Parehong sinumite sa LTO ang mga driver, at ang SUV driver ay kinakailangang magpaliwanag sa LTO pagsapit ng Enero 14. Santi Celario