ILOCOSSUR-Tigok ang isang American national matapos atakehin sa puso sa Poblacion East, San Ildefonso ng lalawigang ito kahapon, Mayo 30.
Kinilala ang biktima na si Michael Robert Metzler, 63, may passport na ang date of expiration ay February 12, 2028 na may foreign address na New Orleans, Louisiana, USA nakatira sa Poblacion East, San Ildefonso, Ilocos Sur.
Bandang 7:45 kagabi ay nakatanggap ng report ang mga personnel ng San Ildefonso Municipal Police Station mula kay Caroline Metzler y Bueno, 38, asawa ng biktima, na isinugod sa Metro Vigan Cooperative Hospital, Bantay, Ilocos Sur ang mister nito.
Dahil dito, mabilis na nagpunta sa naturang ospital ang mga tauhan ng San Ildefonso MPS at sa pakikipag-usap nila sa misis ng biktima, sinabi nito na bandang 5:45 ng hapon ay pumasok sa kanilang kuwarto ang anak nilang babae at nadiskubre nito na ang kanyang ama ay nakaupo sa sahig na wala nang malay.
Agad niyang tinawag ang ina at nang makita ni Caroline ang sitwasyon ng mister ay agad itong tumawag ng tulong sa mga kapitbahay para madala sa ospital ang biktima.
Makalipas ang halos kalahating oras sa ospital, binawian din ng buhay ang biktima.
Ayon sa attending physician, ang cause of death ng biktima ay Myocardial Infarction. Rolando S. Gamoso