Home NATIONWIDE Tolentino kinondena ang maling report sa pag-aresto sa 2 MMDA riders

Tolentino kinondena ang maling report sa pag-aresto sa 2 MMDA riders

MANILA, Philippines – Binatikos ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang maling impormasyon at kawalan ng malinaw na alituntunin ng Philippine National Police (PNP) sa ginawang pag-aresto sa dalawang MMDA riders noong Miyerkules sa Paranaque City.

Sa kanyang programa na “Usapang Tol” sa DWIZ, hinimok ni Sen. Tolentino si PCol. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP, na iwasto ang hindi tumpak na impormasyon na ipinakalat sa publiko.

Nagsagawa ang PNP ng isang press conference noong Huwebes at tinalakay ang pag-aresto sa dalawang rider ng MMDA at sa isang pulis na nahuling nagsa-sideline bilang escort.

Sa presscon, binanggit ni Fajardo na ang mga rider ng MMDA ay nakasuot ng uniporme ng pulisya na mariin namang pinabulaanan ni Tolentinol na nagsabing naroroon siya sa insidente at ang mga rider ay hindi nakauniporme ng pulis.

“It appears that PCol. Fajardo has mixed up details of separate incidents involving the arrest of riders and a police officer. As a spokesperson, it is your duty and obligation to the general public to provide the correct information,” ani Tolentino.

Nabanggit din ni Fajardo na plano ng PNP na bumuo ng isang multi-agency, kasama ang Department of Transportation at MMDA upang makabuo ng mga alituntunin para sa pag-aresto sa mga iligal na paggamit ng mga marka ng pulisya at minarkahang mga sasakyan.

Kinuwestiyon ni Tolentino ang naging batayan sa pag-aresto ng PNP-HPG sa mga rider ng MMDA sa dahilang wala namang alituntunin ukol dito sa kasalukuyan.

Ang dalawang rider na kinasuhan ng usurpation of authority at iligal na paggamit ng insignia, ay pinalaya rin noong Huwebes dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

“They were charged with Usurpation of Authority, yet they never impersonated police officers. Secondly, they were charged with improper use of stickers, but there is no law prohibiting the use of stickers. Perhaps insignias, but the stickers weren’t even on their uniforms,” paliwanag ni Tolentino.

“Kinumpirma ng PNP-HPG na pinahintulutan ang escort ng MMDA ni Senador Tolentino.

Binigyang diin ni Tolentino na walang mga batas na nilabag dahil ang MMDA ay nagmamay-ari ng mga motorsiklo na may mga marka.

7Nanawagan siya ng kalinawan sa patakaran tungkol sa paggamit ng mga blinker, sticker, at decals, pati na rin sa operational jurisdiction ng HPG. RNT