Home NATIONWIDE Partial operation ng NSCR posibleng magsimula sa 2026

Partial operation ng NSCR posibleng magsimula sa 2026

MANILA, Philippines – Maaaring magsimula ang operasyon ng hilagang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) sa 2026.

Naniniwala si PNR Chairman Michael Macapagal na matatapos na ang Northern Line sa loob ng isa’t kalahating taon at puwede nang magpatakbo.

“Clark to Valenzuela is the northern line of the NSCR project. Overall, it is 60 percent completed. The stations, 12 of which, are between 80 to 90 percent completed,” sabi ni Macapagal.

Ang 12 istasyon ng northern line ay ang Clark, Angeles, San Fernando, Apalit, Calumpit, Malolos, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Meycauayan, Tabing Ilog, at Valenzuela.

Ang NSCR ay 147-kilometrong mass transit system na planong magkonekta sa Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna. Inaasahang magseserbisyo ito ng hanggang 800,000 pasahero araw-araw at bawasan ang oras ng paglalakbay mula Clark Airport hanggang Calamba, Laguna sa wala pang dalawang oras.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P873.62 bilyon at pinondohan ng Asian Development Bank at ng Japan International Cooperation Agency. Jocelyn Tabangcura-Domenden