Home ENTERTAINMENT Guanzon, may parinig kay Alden?

Guanzon, may parinig kay Alden?

Manila, Philippines- Rep. Rowena Guanzon’s latest post on social media came in the form of a blind item.

Post ng dating taga-Comelec: “Sino ba’yung male emcee sa Miss Universe Philippines na sigaw nang sigaw? Don’t hire him again.

Nakakainis ang boses!”

Bagama’t hindi niya pinangalanan, Guanzon’s clue bilang male emcee ito ay madaling hulaan as far as the netizens are concerned.

Sino lang ba kasi ang male host sa naturang national pageant?

Kung sisilipin ang mga nag-comment, maging sila refused to name the male host.

Sa halip ay initial lang ang ibinigay nila: “A.”

Again, may iba pa bang “A”?

Obyus namang hindi ‘yon si Ariel Ureta na suki noon bilang host sa mga beauty pageant.

Imposible ring si Apa Ongpin ‘yon na madalas ding kunin bilang host ng mga ganoong timpalak.

By process of elimination, natitiyak nilang walang ibang tinutumbok si Guanzon kundi si Alden Richards.

Matatandaang pinunan ng mga netizens ang “angry hosting” ng Kapuso actor.

Maging si Vice Ganda poked fun at Alden sa It’s Showtime describing his style of hosting as “galit.”

Marami naman ang nagpaliwanag para kay Alden para i-justify ang pamamaraan niya ng hosting.

Malalim na raw kasi ang gabi, at inaantok na ang live audience sa SM MOA Arena.

Anila, sinadya raw ng Asia’s Multimedia Star na “pagalit” ang tono ng kanyang delivery to enliven the crowd.

The recently concluded MUP was Alden’s second time to host the said pageant, kung saan ang kinatawan ng Bulacan at ang Fil-American na si Chelsea Manalo ang nagwagi.

Dahil sa blind item post ni Guanzon ay hinihintay ang reaksyon ng kampo ni Alden.

Minsan nang naging kontrobersyal si Guanzon dahil sa blind item din niya tungkol sa isang aktres na hindi nagpasuweldo ng dalawa nitong kasambahay.

Kinalauna’y natukoy ito bilang si Ruffa Gutierrez who flatly denied Guanzon’s allegation. Ronnie Carrasco III