Home NATIONWIDE American sex offender, arestado sa Maynila

American sex offender, arestado sa Maynila

211
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang isang Amerikanong lalaki na nakilala bilang rehistradong sex offender sa kanyang sariling bansa sa isinagawang operasyon sa Ermita, Maynila.

Ayon sa BI, ipinagbabawal ng mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas ang pagpasok ng mga dayuhang naunang hinatulan ng krimen na may kinalaman sa moral turpitude, kabilang na ang mga registered sex offenders.

Iniulat ni BI-FSU chief Rendel Ryan Sy na ang lalaki, na kinilalang si James Russel Munson, 67, ay naaresto noong Miyerkules sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Ermita, Maynila.

Batay sa impormasyong natanggap mula sa Philippine Center on Transnational Crime at mga awtoridad ng US, kinilala si Munson bilang isang child sex offender matapos hatulan noon dahil sa violation of a minor in the first degree.

Ang pag-aresto ay bahagi ng Project #ShieldKids ng BI, isang pinaigting na kampanya laban sa mga sexual predator at iba pang dayuhang mamamayan na ang presensya ay nagdudulot ng panganib sa seguridad at kaligtasan ng publiko, lalo na sa kapakanan ng mga bata.

Mananatili si Munson sa kustodiya ng BI at mahaharap sa mga paglilitis para sa deportasyon at sa huli ay isasailalim sa blacklisting. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here