Home NATIONWIDE Amihan, easterlies magpapaulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

Amihan, easterlies magpapaulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

171
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Marso 8 na patuloy na makakaapekto sa Northern at Central Luzon ang Northeast Monsoon o Amihan.

Dahil dito ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan ang Cagayan Valley, Ilocos Norte, Apayao, Kalinga, at Aurora.

Magdadala naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Easterlies sa Eastern Visayas, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.

Samantala, ang Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Habang ang Metro Manila, Ilocos Region, Occidental Mindoro, nalalabing bahagi ng Central Luzon, at nalalabing bahagi ng CALABARZON ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains.

Posible rin ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here