MANILA, Philippines- Patuloy na makaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) at easterlies sa bansa ngayong Lunes, na magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang lugar, ayon sa PAGASA.
Inaasahan sa Batanes at Babuyan Islands ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa monsoon.
Nagbabadya naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa eastern sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa Northern Luzon, ang coastal waters ay magiging moderate, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.
Sumikat ang araw ng alas-6:24 ng umaga at lulubog ng alas-5:57 ng hapon. RNT/SA