Home HOME BANNER STORY Phreatic eruption naitala sa Bulkang Mayon

Phreatic eruption naitala sa Bulkang Mayon

MANILA, Philippines- Nakapagtala ng phreatic eruption sa Mayon Volcano summit nitong Linggo, alas-4:37 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

“It lasted four minutes and 9 seconds based on the seismic record,” anang PHIVOLCS.

Kasabay ng phreatic eruption ang pag-ugong, rockfall, pyroclastic density currents o or PDC at usok na aabot hanggang 1,200 metro patungo sa direksyong southwest.

Nananatili ang Mayon Volcano sa Alert Level 2.

Ang phreatic eruption ay isang “steam-driven explosion” na nagaganap kapag pinainit ng magma ang surface water, ayon sa United States Geological Survey (USGS).

Nagdudulot ang labis na init ng pagkulo ng tubig na nagiging steam, na nagreresulta sa pagsabog ng tubig, usok, bato, abo. Maaari itong maganap bago, kasabay, o pagkatapos ng karaniwang volcanic eruption.

Sa ulat, sinabi ni PHIVOLCS Director Dir. Teresito Bacolcolno na wala pang naiulat na ashfall. RNT/SA