Home NATIONWIDE Amihan, easterlies magpapaulan sa PH

Amihan, easterlies magpapaulan sa PH

MANILA, Philippines- Makararanas ang Luzon ng maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon o amihan, habang magkakaroon ang natitirang bahagi ng bansa ng parehong weather conditions dahil sa easterlies, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sinabi ng ahensya nitong Miyerkules na nagbabadya sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at Camarines Norte ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa amihan.

Makaaapekto rin ang amihan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon, na makararanas ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains.”

Inaasahan naman sa Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan mula sa easterlies, habang iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms.”

Ayon sa PAGASA, hanggang alas-2 ng madaling araw nitong Miyerkules, walang na-monitor na low pressure areas para sa tropical cyclone formation. RNT/SA