Home NATIONWIDE Amihan, easterlies magpapaulan sa Pinas

Amihan, easterlies magpapaulan sa Pinas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang northeast monsoon (amihan) sa Northern at Central Luzon habang mararamdaman ang epekto ng easterlies sa natitirang bahagi ng bansa, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Mindanao, Northern Samar, Eastern Samar, at Southern Leyte ang maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Nakaamba naman sa Cagayan Valley, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa northeast monsoon.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Ang wind speed forecast para sa eastern sections ng Visayas at Mindanao ay moderate to strong na kumikilos pa-northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong east to northeast direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-6:14 ng umaga at lulubog ng alas-6:04 ng hapon. RNT/SA