Bulacan – Arestado ang anim na indibidwal na sangkot sa illegal quarrying na umano’y gumagamit ng bomba sa magkahiwalay na Oplan Kalikasan operation ng mga awtoridad sa hangganan ng bayan ng Norzagaray at Doña Remedios Trinidad (DRT).
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Dante, 52, backhoe operator, Pedro, 52,Jack Hammer operator, Ron
nie, 55, Edwin, 50, Quarry operator, Jojo, 30, compressor operator at Adong , quarry operator kapwa residente ng nasabing bayan.
Nabatid na tinutugis din ng mga awtoridad ang isang nagngangalang Conrado, nasa hustong gulang, quarry financier, residente ng Brgy. Bangcal
Sa report, ikinasa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG Bulacan PFU kasama ang Bulacan Environment and Natural Resources Office nitong hapon ng February 25 sa pagitan ng bulubunduking sakop ng Brgy. Bayabas, DRT at Brgy. Bangcal, Norzagaray.
Ayon sa report, huli sa akto ng mga awtoridad ang mga suspek na walang maipakitang permiso sa kasagsagan ng ilegal na operasyon sa bulubunduking halos nawala na ang kulay luntian dahil nakalbo na.
Narekober ng mga awtoridad sa unang sinalakay na lugar ay ang Jackhammer, compressor Denyo, Hitachi back hoe, back hoe without brand, 55 to 60 meters of extracted limestone minerals.habang sa ikalawang pwesto ay ang isa pang backhoe CAT 320C, compressor, backhoe CAT320D at 20 to 25 meters of extracted limestone minerals.
Sinasabing ang operasyon ay gumagamit ng pampasabog tulad ng dinamita para mapabilis ang pagtibag o pagkuha sa minerals na direktang sumisira ng kabundukan at posibleng maging dahilan sa pagbaha sa mga mababang lugar partikular sa mga baybayin sa lalawigang ito.
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang mga suspek habang nasa kostudiya ng CIDG Bulacan PFU. Dick Mirasol III