Home IN PHOTOS Kasunduan para sa Philippine Modernization Consortium, nilagdaan

Kasunduan para sa Philippine Modernization Consortium, nilagdaan

MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Nong Rangasa, Pangulo at CEO ng LCCAD Holdings Corporation; Brendan Holt Dunn, Pangulo ng Holdunn Group of Companies Bahamas; at Jose Reyes, Pangulo at CEO ng T2 PINANS Consulting Inc., ang pormal na paglagda ng kasunduan sa paglulunsad ng Philippine Modernization Consortium noong Huwebes sa Marriott Hotel, Pasay City.

Dinaluhan ang seremonya ng mga kinatawan mula sa pribadong sektor at mga ahensya ng pambansang pamahalaan na naglalayong magtatag ng pakikipagtulungan sa mga global na lider sa negosyo.

Ang konsorsyum na ito ay tugon ng mga lider sa negosyo sa panawagan ng pangulo na palakasin ang pamumuhunan para sa mabilis at napapanatiling pag-unlad ng Pilipinas, na nakatuon sa mga pangunahing sektor tulad ng digital connectivity, agrikultura, renewable energy, at climate-resilient infrastructure. RNT