Home NATIONWIDE Amihan, easterlies magpapaulan sa Pinas

Amihan, easterlies magpapaulan sa Pinas

MANILA, Philippines- Patuloy na nakaaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa Northern Luzon ngayong Lunes at magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, at Isabela, ayon sa PAGASA.

Samantala, umiiral naman ang easterlies sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa at posibleng magdulot ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms.”

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides sa mga lugar sakaling magkaroon ng severe thunderstorms.

Sinabi pa ng state weather bureau na maaaring makaranas ang northern at eastern sections ng bansa ng moderate to strong wind speed mula east to northeast.

Mararanasan naman ang moderate to rough coastal waters sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-6:11 ng umaga at lulubog ng alas-6:05 ng hapon. RNT/SA

Previous articleBATAS PARA SA MOTORCYCLE TAXIS PINABIBILIS NA!
Next articleYOSI, GAMIT SA KURYENTE = SUNOG