Home OPINION BATAS PARA SA MOTORCYCLE TAXIS PINABIBILIS NA!

BATAS PARA SA MOTORCYCLE TAXIS PINABIBILIS NA!

PRIORITY measure ni House Speaker Martin Romualdez ang mga panukala upang maging ganap na ligal na ang motorcycle taxis bilang isang alternative public transport.

Sa ngayon kasi ay pinapayagan ang motorcycle taxi na pumasada sa isang pilot test run na pinangangasiwaan ng isang Technical Working Group.

Suportado rin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  kaya’t malapit-lapit na ang pinale nito.

Sa House of Representatives ay may House Bill No. 3412 na ang may akda ay sina Representatives Ramon Rodrigo Gutierrez at  Bonifacio Bosita. Sa Senado naman ay suportado ang pagsasaligal ng motorcycle taxis ng mga senador.

Sabi nga ni Senadora Grace Poe, “It’s time to legalize motorcycles as taxis”.

Malaking bahagi ng kasaysayan ng motorcycle taxis ang founder ng Angkas na si George Royeca. Halos dumaan sa butas ng karayom ang mama at kanyang mga kasama para maipaglaban ang app-based motorcycle taxis.

Dahil sa transport innovation na ito ay libo ang nagkaroon ng hanapbuhay at daan-daang libong pasahero ang napagsilbihan. Marami na ring kompanya ang gumaya sa Angkas. Kaya naman mahalaga ang batas para maging malinaw ang polisiya ng motorcycle taxis at hindi maging mapanganib ito para sa mga mananakay.

Samantala habang nasa pilot test ang motorcycle taxis ay inaasahan naman natin na maging malinaw ang mga polisiya ng TWG habang naghihintay tayo ng tamang batas.

Isa-isip rin ng ating mga mambabatas ang ibang transport sector na maaaring maapektuhan ng motorcycle taxis tulad ng tricycles, taxis at UV express.

Previous articleHINDI KATAWA-TAWA
Next articleAmihan, easterlies magpapaulan sa Pinas