MANILA, Philippines- Makaaapekto ang Northeast Monsoon (amihan) sa Northern at Central Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon na sasabayan ng ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Inaasahan naman sa Metro Manila, Rizal, Ilocos Region, at natitirang bahagi ng Central Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil din sa Northeast Monsoon.
Nakaamba sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.
Ang wind speed forecast para sa Northern Luzon, Southern Luzon, at sa eastern sections ng Central Luzon at Visayas ay “strong moving in the east to northeast direction” na may rough coastal waters.
Iiral sa eastern section ng Mindanao, at natitirang bahagi ng Luzon ang “moderate to strong wind speed” patungo sa east to northeast direction na may moderate to rough coastal waters.
Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-6:25 ng umaga at lulubog ng alas-5:55 ng hapon. RNT/SA