Home NATIONWIDE Amihan, shear line magpapaulan sa Luzon

Amihan, shear line magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang northeast monsoon o amihan sa Hilaga at Gitnang Luzon habang makakaapekto naman ang shear line sa silangang bahagi ng Southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang Bicol Region at Quezon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa shear line.

Ang Cagayan Valley at Aurora ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa amihan.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleXian, iwas sa isyu ng breakup nila ni Kim!
Next article76 parak natanggal sa serbisyo noong 2023 – Abalos