MANILA, Philippines – Pinasimulan na ang tradisyunal na pahalik sa Poong Hesus Nazareno pagkatapos idaos ang banal na misa sa Quirino Grandstand nitong Lunes, Enero 6.
Bago nito, binasbasan muna ang mga tauhan at volunteers ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno na kaisa sa pagpapatupad ng kaayusan ng aktibidad ng Kapistahan ng Quiapo kabilang rito ang mga miyembro ng media.
Sinimulan ang misa alas-6 ng hapon na pinangunahan ni Fr. Robert Arellano, ang tagapagsalita ng Nazareno 2025 sa pag-aalay ng panalangin sa mga volunteer.
Mensahe ni Fr. Arellano, ang pagsunod sa Poong Nazareno ay pagpapanatili sa Diyos at sa pagsunod sa kanya ay hindi nagtatapos lamang sa mga gawain sa Traslacion kundi ang pagsusumikap na sa mga darating na araw ay ipagpatuloy pa rin ang gawain ng Diyos.
Nagpapasalamat naman si Fr. Rufino Sescon Jr, rector ng Quiapo church sa mga volunteer.