Home ENTERTAINMENT Sunshine, may basher sa relasyon kay Atong!

Sunshine, may basher sa relasyon kay Atong!

Manila, Philippines- Still on Sunshine Cruz, sunod sunod ang mga naglabasang post kung saan kasama ng aktres ang karelasyon na nga niya ngayong negosyante na si Atong Ang, huh!

Maraming mga magagandang komento pero may ilan din namang pambabash, huh!

Pero mukhang limited na lang at hindi na puwedeng makapag-comment yung mga bashers, huh!

Paulit ulit na lang kasi ang komento ng mga ito, huh!

Basta kami, isa sa marami na masaya para kay Sunshine at para na rin Siyempre kay Atong, huh!

Kaya nang palampasin ni Sunshine ang mga comment na “alagang mayaman,” “suwerte ni Atong” at “Atong with care.”

Hindi na rin naman ikinaila ni Sunshine na

magkasama nilang sinalubong ni Atong ang bagong taon, huh!

Sa napanood naming video ay dinala ni AA ang kasintahan sa kanyang villa na nasa isang five star hotel, huh!

Sa naturang video, nakita ang nakalagay sa entrance ng villa na “Chairman’s Villa.”

Siyempre kasama nila sa New Year celebration ang tatlong anak ni Sunshine with Ruffa Gutierrez.

Ang cute naman ng napanood naming short video kung saan tinanong ni Ruffa si Sunshine kung happy ang aktres, huh!

Sagot pa agad ni Sunshine na, “Of course”

Sa follow up question naman ni Ruffa na

“why are you happy?”, “Secret” ang sagot ni Sunshine kasabay ng isang makahulugang magandang ngiti, huh! Jimi Escala