Home ENTERTAINMENT Ivana, binarag ng mga netizens!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ivana, binarag ng mga netizens!January 7, 2025 06:34 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Kailan lang ay abut-abot ang was nabot na pamba-bash ni Nadine Lustre for endorsing an online gambling platform.Hindi rin ligtas si Ivana Alawi na nahuli with her pants down promoting online gambling.Bale ba, buong ningning pa niya itong inanunsyo sa Instagram.Sinamahan pa ng actress cum vlogger ng caption na: “Happy holidays! Unwrap the fun with 88bet!”Nag-trigger tuloy ‘yon ng kaliwa’t kanang pambabarag sa kanya, with the netizens even educating Ivana about gambling.A netizen wrote: “Earnings from online gambling aren’t a blessing–they come at the cost of other people’s losses!”Sinang-ayunan naman ito ng isa pang netizen, kelan pa raw naging blessing ang pagsusugal?Still another netizen ang nakiusap kay Ivana na tigilan na niya ang pagpo-promote ng online gambling.Katwiran ng netizen, hindi raw nakakaangat ng antas ng buhay ang pagsusugal.Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Ivana sa ipinarating na disgusto ng mga anti-online gambling netizens. Ronnie Carrasco III