MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang dalawang weather system sa bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Shear line naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil naman sa localized thunderstorms. RNT/JGC