Home HOME BANNER STORY Monster ship ng China namataan malapit sa Luzon

Monster ship ng China namataan malapit sa Luzon

MANILA, Philippines – Namataan malapit sa Luzon ang monster ship ng China Coast Guard, ayon kay American maritime security analyst Ray Powell.

“Today ‘The Monster’ China Coast Guard 5901 has brought its intrusive patrol even further east from Scarborough Shoal. It is now asserting #China’s claim of jurisdiction just 50 nautical miles from the #Philippines’ main island of Luzon,” saad sa post ni Powell nitong Sabado ng umaga, Enero 4.

Ang “monster ship” ay may timbang na 12 tonelada, na limang beses na mas malaki kaysa sa dalawang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pahayag nitong Sabado ng gabi, kinumpirma ng PCG ang presensya ng barko ng China sa layong 54 nautical miles sa Capones Island, Zambales.

Agad na ipinadala ang PCG Caravan, BRP Cabra at helicopter para subukin ang CCG at igiit na ang naturang barko ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Iniulat na ang monster ship ay bumibiyahe pa-kanluran at ngayon ay nasa 85 nautical miles mula sa Zambales.

“The PCG remains committed to closely monitoring this Chinese Coast Guard vessel to ensure that Filipino fishermen can operate safely and without harassment within our Exclusive Economic Zone,” saad sa pahayag ng PCG.

Sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na hindi nakakabiglang malaman na may monster ship ang China na umaaligid sa Bajo de Masinloc dahil matagal nang pinupuno ng mga barko ng China ang naturang lugar.

Wala pang tugon ang Chinese Embassy kaugnay nito. RNT/JGC