MANILA, Philippines – Isa na ang kumpirmadong nasawi dahil sa ligaw na bala sa nagdaang holiday season, ayon sa Department of Health nitong Sabado, Enero 4.
Dagdag dito, tumaas naman sa 771 ang kabuuang kaso ng firecracker-related injury.
Sa bulletin, sinabi ng DOH na sakop ng pinakahuling tally ng firecracker-related injuries ay mula Disyembre 22, 2024 hanggang alas-6 ng umaga ng Enero 4, 2025.
Ang datos ay iniulat ng 54 sa 62 sentinel sites na namonitor ng DOH.
Mayroong 39 kaso ang naidagdag mula noong Bisperas ng Bagong Taon, at 16 sa mismong araw ng Bagong Taon.
Samantala, nananatili sa tatlo ang kumpirmadong nasawi. Kabilang dito ang isang 19-anyos na lalaki mula Davao del Norte na nagtamo ng tama ng bala ng baril.
Ito ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng stray bullet injury ngayong taon.
Sa ulat, nagdiriwang ang biktima ng Bagong Taon sa labas ng bahay nito nang tamaan ng ligaw na bala. RNT/JGC