MANILA, Philippines – Umabot na sa kritikal na lebel ang
Amlan-Siaton 69-kilovolt (kV) transmission line sa Negros Oriental, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines nitong Biyernes, Mayo 10.
Ani Michelle Visera, NGCP-Negros public relations officer, dahil sa kasalukuyang overloading ng power line, kailangan nang padaliin ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Amlan-Dumaguete 138 kV line upang maiwasan ang posibilidad ng power outages.
“We are asking stakeholders and government officials in Negros Oriental to help us fast-track the acquisition of permits and the Certificate of No Objection from concerned local governments and private individuals,” sinabi ni Visera sa panayam.
“The Amlan-Dumaguete 138 kV line was started last year and is seen to be completed by September this year, but some local resistance to the project compelled the grid operator to file a motion to extend the completion date to January 2026,” dagdag pa niya.
Aniya, taglay ng Amlan-Siaton 69-kV line ang 69 megawatts (MW) load hanggang noong Abril 25, sobra sa normal capacity na 58 MW.
Noong nakaraang weekend, nakaranas ng 12 oras na brownout ang Negros oriental matapos ianunsyo ng NGCP na magsasagawa sila ng preventive maintenance ng Amlan-Siaton 69-kV line upang masiguro ang stability nito.
Ani Visera, kailangang madaliin ang nagpapatuloy na proyekto para sa bagong Amlan-Dumaguete 138-kV line upang matugunan ang power demands kasabay ng pagpapababa ang tsansa ng madalas na power interruptions sa Negros Oriental. RNT/JGC